Hiniling ng isang senador na pagaanin ng Department of Education (DepEd) ang workload ng mga guro upang mabalanse ang kanilang gawain at matiyak na mas nakatutok sila sa paghasa sa kakayahan ng mga mag-aaral.
Ang panukalang pag-aralan ang nakaatang na trabaho ng guro ay isa sa mga rekomendasyon ni Senator Sherwin Gatchalian nang ibahagi niya ang resulta ng pagsusuri ng Committee on Basic Education, Arts and Culture sa pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670).
Nauna ng hiniling ng senador sa bagong administrasyon na pagaanin ang trabaho ng mga guro upang matutukan nila angkanilang tunay na tungkulin: ang pagtuturo sa mga mag-aaral.
Aniya, bukod sa pagtuturo, kadalasang binibigyan ng iba pangtrabaho ang mga guro, tulad ng iba’t ibang administrative roles atstudent support roles.
Kabilang sa halimbawa ng administrative roles ay angpagtulong sa pagbabakuna, deworming, halalan, at iba pa, bagay nanakaaapekto sa kalidad ng pagtuturo.