Laking-pasasalamat ng delegada ng Oriental Mindoro na si Graciella Lehmann kay Kapuso host-actor Paolo Ballesteros na libre at kusang-loob na gumawa ng kaniyang kabogerang “Dyosang Tikbalang” sa naganap na national fashion show ng Binibining Pilipinas.

Isa sa mga pinalakpakan sa New Frontier Theater noong Sabado, Hulyo 17, ang kabogerang natcos ni Graciella na likha ng apo sa tuhod ni National Artist at pintor na si Fernando Amorsolo.

Basahin: Paolo Ballesteros, mastermind ng kabogerang ‘Dyosang Tikbalang’ costume sa Bb. Pilipinas – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pagbabahagi ni Graciella, bilang muse ng “Eat Bulaga” host sa Binibining Pilipinas pre-pageant category ngayong taon, kusang-loob na ginagawa ni Paolo ang preparasyon para kay Graciella.

Sa isang Instagram update, Sabado, nagpaabot ng pasasalamat ang aspiring beauty queen at kinikilalang mentor na si Paolo.

“Before this day ends, I just want to express my heartfelt gratitude to the person who believed in me, to the person who helped me without asking for anything in return, to the person whose creativity is beyond measure,” mababasa sa Instagram post ni Graciella.

Isang karangalan ani Graciella na maging muse ni Paolo sa kaniyang nakakamanghang obra maestro gayundin ang mga ibinigay na payo at itinuro ni Paolo para sa kaniyang Binibining Pilipinas journey ngayong taon.

“I will never forget your kindness, your generosity, your sacrifices, and your patience 🙈🤍🐴 You are the ultimate legend, mamwa @pochoy_29 🥺 love!!!”

Si Graciella ang delagada ng Oriental Mindoro sa Binibining Pilipinas ngayong taon at nasa pangangalaga rin ng aktor base sa kaniyang serye ng Instagram posts tampok ang kandidata.

Noong 2021, ang actor-host at tinaguriang master of make-up transformation ay una nang nagdisenyo ng national custome para sa kandidata ng Rizal na si Honey Cartasano para sa parehong beauty pageant.