Namahagi ng tig-isang sakong bigas sa bawat pamilya o sambahayan ang lokal na pamahalaan ng Carrascal, Surigao del Sur, sa pangunguna ng kanilang alkalde na si Mayor Vicente Pimentel III, anak ng long-time governor ng lalawigan na si Gov. Vicente Pimentel, Jr.

Masayang-masaya umano ang mga residente sa pagtupad ng kanilang re-elected mayor sa ipinangako nito noong kampanya. Nagsimula ang pamamahagi nila ng isang sakong bigas noong Huwebes, Hulyo 14.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tinatayang umabot sa ₱17M ang budget na ipinambili sa bigas na galing umano sa pondo ng lokal na pamahalaan, at bahagi rin ng Pahinungod Festival na ginanap noong Hulyo 14-15.

Ipinangako raw ni Pimentel sa mga residenteng botante ang pamamahagi ng bigas kapag nanalo siya sa kaniyang pangatlong termino bilang alkalde ng kanilang bayan. Lahat umano ng pamilya sa lahat ng barangay ay makatatanggap nito, kahit hindi siya ang ibinoto o sinuportahan ng mga ito sa kampanya.

Sa kaniyang oath-taking noong Hunyo 30 ay nangako ang mayor na ipagpapatuloy niya ang kaniyang mga nasimulan, at ang legacy ng kaniyang amang gobernador.

"Today is the day that I took the oath as the re-elected mayor of our beloved Carrascal, a promise to spend the next three years in devotion to the continued progress and development as one of the most outstanding municipalities in our region."

"As I live in the legacy of my beloved father, our former governor, Gov. Vicente Pimentel Jr., it is with great honor to be of service to you my beloved carrascalanons! Together with my Vice-Mayor and sb members, we owe you nothing but good and honest governance as you trust us with these responsibilities," aniya.