Inilabas na nitong Linggo, Hulyo 17, ang official movie trailer ng "Maid in Malacañang" na isinulat ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.

Inupload ang official trailer ng pelikula sa social media accounts ng VinCentiments at Viva Films. 

Makikita sa trailer ang ilan sa mga video clip na nakunan noong kapanahunan nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating Pangulong Cory Aquino. 

Mapapanuod din dito ang mga nangyari noong Edsa People Power Revolution at noong idineklara umano ni Aquino na nakamit na ang kalayaan sa kamay ng pamumuno ni Marcos Sr.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"We are finally free and we can truly proud of the unprecedented way we achieved our freedom in peace...," sabi ni Cory Aquino sa isang video clip.

Ang Maid in Malacañang ay prinoduce ng Viva Films, na kung saan iikot ito sa side story ng pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa puwesto, sa mata ng “reliable source.”

Mapapanuod ang buong pelikula sa Agosto 3, 2022 sa mga sinehan.

Samantala, umani naman ng positibong komento mula sa mga netizens ang trailer: 

"OMG the trailer made me cry! I'm so excited for the film! Kudos to Director Darryl, Senator Imee, Cesar, Ruffa, Diego, Cristine, Ella and everyone involved! Let's go!"

"Nakakapanindig balahibo! Trailer palang grabe na. Nakakaiyak! Nakakaexcite panoorin ang buong movie The other side of the story of the Marcos Family! Ito ang matagal na nating inaantay! Thank you Direk Daryl Yap"

"Ang ganda, napaka-world class ng editing and the acting is also really good. Job well done. Take note, trailer pa lang 'yan pero exciting na."

"I’m excited to watch the full movie"

"Let the other side of the story be told!!! Stay strong Direk Darryl and thank you sa buong cast and crew ng MIM!!!"

""Makakabalik tayo" And you did ... with a vengeance! 17th president with 31 million votes!"

"Very exciting and hopefully will awaken and unite Filipinos"

"Story na tinago nila ng ilang taon God is good he make a way na malaman ng tao ang katotohanan"

"We the Filipinos has the right to know the truth .thank you derik"

"i cried the trailer is goosebump kakaiba ...the story should be told has been finally out .....take ur meds mga nahahighblood dyan"

"With this, History should be corrected and account new evidences."

"It's always the side of Aquino's that are being told, it is now time for the Marco's side to be aired."

"Panahon na, na side naman nila ang ating mapakinggan at mapanuod."