Mahigit na sa 1.3 milyon ang bagong rehistrong botante para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 5, 2022, ayon sa pahayag ngCommission on Elections (Comelec) nitong Linggo.
Kinumpirma ni Comelec acting Spokesperson John Rex Laudiangco, lumobo na sa 1,370,593 ang bagong nakarehistrong boboto sa Disyembre, kabilang ang863,078 may edad 15-17; 435,266 (edad 18-30); at 72,249 (edad 31 pataas).
Naitala naman ang 227,203 na nag-apply upang malipatsa ibang lungsod para makaboto sa brgy. election at 2,655 naman sa SK.
Umabot na sa 1.8 milyon ang kabuuang aplikasyonnatanggap ng Comelec hanggang noong Biyernes, Hulyo 15.
Inumpisahan ang voter registration noong Hulyo 4 at matatapos ito sa Hulyo 23.