Paiigtingin pa ng pulisya ang pagbabantay sa mga tourist spot sa bansa upang matiyak na ligtas sa masasamang loob ang mga turista.

"We understand the logic behind the order of our Commander-In-Chief, President Ferdinand Marcos, Jr., to ensure that all areas in the country, especially tourist spots, are safe because tourism plays a big part in the economic recovery plan of the new administration," pahayag ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon nitong Sabado.

Aniya, inatasan na nila ang mga hepe ng pulisya at station commander sa bansa upang maipatupad ang direktiba ng Pangulo na dagdagan pa ang mga pulis na magbabantay sa mga lugar na dinadayo ng mga turista.

Bukod sa pagbabantay, ipinaalala rin ng heneral ang pagpapaigting sa intelligence gathering ng mga ito sa kanilang area of responsibility (AOR).

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Dapat din aniyang dalasan ng mga ito ang pagsasagawa ng crime mapping sa kanilang nasasakupan.

"Crime mapping is essential because it gives our commanders an advantage in preparing and implementing measures to prevent crimes at a specific time and location.This should be paired with reliable intelligence data about which groups are operating in particular areas," aniya.

"Let's do our part for economic recovery by performing well in terms of peace and order, which will benefit our country," paliwanag pa nito.