PANGASINAN - Namataan ng mga residente ang isang ipo-ipo sa dagat ng Lingayen nitong Linggo ng hapon.

Karamihan sa mga residente at namamasyal sa Lingayen baywalk ay kinunan ng litrato at video ang sumulpot na ipo-ipo na hindi kalayuan sa beach, dakong 5:40 ng hapon.

Kaagad namang ipinost ito sa Facebook account ni kagawad Darwina Ruiz Cruz at nai-share ng mahigit sa 1,000 netizens hanggang sa umani ng daan-daang reaksyon.

“Nakakatakot naman, bigla na lang namin nakita 'yan, namamasyal lang kami sa dagat,” ayon sa isang residente.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

“Malakas naman ang ulan sa aming lugar, kaya agad na rin kami nag-uwian at nakakatakot din ang kidlat," sabi naman ng isa sa sa beachgoers.