Patay ang walong sakay ng isang cargo plane matapos bumagsak malapit sa Kavala City sa Greece nitong Sabado ng gabi, ayon sa pahayag ng defense minister ng Serbia nitong Linggo.

Naiulat na sakay ng nasabing eroplanong Antonov An-12 na pag-aari ng isang Ukrainian company, ang 11 toneladang iba't ibang uri ng armas at pampasabog na pag-aari ng Serbian company na Valir patungong Bangladesh nang maganap ang insidente, ayon kayminister Nebojsa Stefanovic.

"I think the crew were Ukrainian but I don't have any information about that. They were not Serbian," sabinoi Stefanovic sa isang pulong balitaan nitong Linggo.

Umalis ang naturang eroplano sa Nis Airport sa Serbia dakong 8:40 ng gabi nitong Sabado.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Iniulat ng mga mamamahayag sa Greece na nakahingi pa ng permisong makapagsagawang emergency landing ang eroplano sa Kavala airport. Gayunman, hindi na ito nakaabot sa paliparan.

Aabot pa sa 40 kilometro ang layo ng airport mula sa pinagbagsakan ng eroplano.

Hindi kaagad nakalapit ang mga bumbero sa lugar dahil posibleng sumabog ang mga pampasabog na sakay ng eroplano.

"Men from the fire service with special equipment and measuring instruments approached the point of impact of the aircraft and had a close look at the fuselage and other parts scattered in the fields," sabi naman ni fire brigade official Marios Apostolidis.

Kaagad namang nilinaw ng Stefanovic na ang nasabing mga armas ay nauna nang napagkasunduan sa pagitan ng Bangladeshi defense ministry at Serbian government at alinsunod umano ito sa international rules.

Agence France-Presse