Sumalang si Kapuso actress Beauty Gonzalez sa panayam ni Toni Gonzaga sa kaniyang "Toni Talks" na umere ngayong Linggo, Hulyo 17.

Umikot ang panayam sa pagsisimula ni Beauty bilang dating housemate ng reality show na "Pinoy Big Brother" teen edition noong 2009 kung saan nagsilbing main host si Toni hanggang Pebrero 2022. Matatandaang nilisan na ni Toni ang show matapos ang kontrobersiyal niyang pagho-host ng UniTeam proclamation rally sa Philippine Area noong Pebrero 8.

"I'm glad I was able to talk again to Beauty. In this candid conversation, she shares why she didn't want to enter show business before, how she fell in love with acting and how it led to meeting the love of her life, her husband Norman," ayon sa caption ni Toni.

Sa simula raw ay wala talagang balak na sumali sa PBB si Beauty ngunit napilit lamang siya ng kaniyang ina. Sa katunayan, yaya pa raw niya ang pumila para sa kaniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala raw siyang masabing talento nang makapanayam siya ni Direk Lauren Dyogi na noon ay hindi pa niya kilala.

Mapalad naman na naging Fourth Big Placer si Beauty sa edisyon ng PBB na kaniyang sinalihan noong

Napag-usapan din nina Toni at Beauty ang pagsasama nila noon sa pelikulang "Starting Over Again" nina Piolo Pascual at Iza Calzado, produced by Star Cinema, sa direksyon ni Inang Olivia Lamasan.

Ibinuking ni Toni na si Beauty lamang daw ang kauna-unahang artistang "sumagot" kay Inang na hindi maiyak sa isa sa mga pamosong eksena nila. Ngunit nang sumalang na ito, take 1 lamang daw iyon.

Isa umanong prinsesa si Beauty sa Cebu dahil lumaki itong may pilak na kutsara sa kaniyang bibig, bagay na malaki ang pasasalamat ng aktres.

Pag-amin ng aktres, noong bata pa raw siya, nais niyang magkaroon ng sariling sementeryo.

"I told my mom, I don't want to go to college, I want to have my own cemetery," saad ni Beauty.

Na-inspire daw si Beauty na magkaroon ng sariling pribadong sementeryo dahil sa nakita niyang pampublikong sementeryo sa likod ng kanilang property.

"I find it so nice, gothic, and beautiful!" sey ni Beauty.

Bukod sa sariling sementeryo, pinangarap din niyang magdisenyo ng mga kabaong o ataul na paglalagakan ng mga bangkay.

"Let's say you're an LGBT, I am going to make you a rainbow kabaong," natatawang pag-amin ni Beauty.