San Fernando, Pampanga -- Humigit-kumulang na 17 miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) ang kumalas sa Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP).
Ayon sa Police Regional Office 3 ang AMGL at KMP ay kinikilala umano bilang legal front ng Communist Party of the Philippines New People's Army (CPP-NPA).
Ipinahayag ni PRO3 Regional Director Brigadier General Matthew Baccay na ang pagsisikap ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) kasama ang iba't ibang unit ng pulisya at Philippine Army ay nagresulta sa pagkakahiwalay ng nasabing mga grupo ng magsasaka noong Hulyo 16 sa Llanera, Nueva Ecija.
Umaasa ang opisyal ng PNP at Philippine Army na mas maraming grupo ang susunod sa hakbang na ginawa ng mga magsasakang ito.
Gayunman, binalaan din nito ang iba pang sektor ng lipunan na maging maingat sa mga organisasyong nauugnay sa communist terrorist group dahil ang kanilang mga diskarte ay sisira umano sa kanila.