Naghain ng House Bill No. 502 o ang Barangay Officials Salaries and Insurance Act ang anim na kongresista para isulong ang pagkakaloob ng regular na suweldo at benepisyo para sa mga opisyal ng barangay.
Itinuturing na "tanggapan na unang nilalapitan ng mga tao" ang mga ito.
“It is high time that our barangay officials be given what is due them and recognize their vital role in carrying out government’s services to the communities,” ayon kina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap, ACT-CIS Representatives Edvic Yap, Jeffrey Soriano and Jocelyn Tulfo, at Quezon City Rep. Ralph Tulfo.
Saklaw sa pagbibigay ng angkop na kompensasyon ang mga halal at hinirang na opisyal, mga pinuno ng barangay, miyembro ng Sangguniang Barangay, barangay secretaries at treasurers.
Batay sa panukala, kapag sila ay idineklara at kinilala bilang regular government employees, tatanggap sila ng regular na sahod, health insurance at iba pang mga benepisyo.