Mananatili pa rin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) Alert Level 1 ang Metro Manila habang pinag-aaralan pa ng gobyerno ang sitwasyon laban sa nasabing sakit.

Sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Sabado, hihintayin na muna ang ilalabas na rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) hinggil sa usapin.

Nakatakda aniyang pag-aralan ng task force ang sitwasyon sa Lunes, Hulyo 18 at ito ay nangangahulugang ipaiiral pa rin ang nabanggit na alert level simula 16.

Kamakailan, iniutos ng gobyerno na isailalim sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at ilang pang lugar simula Hulyo 1-15.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nauna nang naiulat ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa mula nang luwagan ang pamahalaan ang restriksyon laban sa sakit.