Dahil na rin sa tumataas na bilang ng kaso ng dengue, isinailalim na sa state of calamity ang Antique kamakailan.

Nagpalabas ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan ng Antique nitong Hulyo 14 upang magamit kaagad ang quick response fund para sa dengue.

Ibinatay ng provincial government ang kanilang desisyon sa naitalang mataas na kaso ng sakit sa lalawigan.

Sa pinakahuling datos ng Antique Provincial Health Office, lagpas na sa 1,500 ang tinamaan ng dengue, bukod pa an anim na binawian ng buhay mula Enero hanggang Hulyo 15.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Sa kabuuan, aabot na sa 8,293 ang kaso ng dengue sa Central Visayas region ngayong taon, kabilang na ang 52 na binawian ng buhay.

Sa rekord ng Antique government, nakitaan ng clustering cases ng dengue sa 90 barangay kaya lalo pang pinaigting ang kampanya ng mga ito laban sa sakit.

Naalarma na rin ang Department of Health (DOH) sa pagtaas ng dengue sa bansa.

Sinabi ng DOH, kabilang ang Central Luzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Administrative Region (CAR), Western Visayas, Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan), Metro Manila, at Cagayan Valley region, sa nakitaan ng mataas na kaso ng sakit.