CAGAYAN -- Inatasan ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ang Provincial Health Office at 12 district hospitals na mas palakasin ang rollout ng mga bakuna laban sa Covid-19 sa buong probinsya.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, nangunguna muli ang Tuguegarao City na may maraming kaso ng Covid-19 noong Biyernes matapos makapagtala ng 13 pang kaso.

Umabot na sa 21 na barangay ang apektado ng Covid-19.

Samantala, nakapagtala ng mataas na kaso sa Barangay Leonarda at San Gabriel na may tig-pitong kaso; dalawang kaso sa Aparri at tig-isa sa bayan ng Claveria, Enrile, Lal-lo, at Solana.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

17 sa mga nagpositibo ay symptomatic at dalawa ang asymptomatic o walang sintomas ng virus.

Bagama't naiulat na isa ang lalawigan sa may pinakamataas na vaccination rates sa bansa, nais pa rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na palawigin ang bakuna laban sa Covid-19 upang maiwasan ang paglala ng mga kaso.

Sa ngayon, umabot na sa 90 ang aktibong kso sa Cagayan mula sa 12 bayan nito.