QUIRINO – Mas madali nang mapuntahan ng mga lokal at dayuhang turista ang mga destinasyong water falls sa lalawigang ito.

Ito ay kasunod ng pagsasanib-puwersa ng Department of Public Works and Highways at ang Department of Tourism para sa pagkonkreto ng unang 2.08 kilometrong kalsada patungo sa dalawang magagandang talon ng lalawigan.

Tila humanga ang DPWH sa kinalabasan ng proyekto na ang mga destinasyon ng turista ay maaaring maging kawili-wiling paksa para sa mga travel vlogger at content creator.

Noong Biyernes, iniulat ni DPWH Quirino District Engineer Lorna B. Asuten na ang bagong konkretong kalsada ay bahagi ng 17.04-kilometer na patuloy na access road project na humahantong sa mga bagong natukoy na tourist spot.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang mga tourist spot na ito ay ang Napipiwongan Falls sa Barangay Nagabgaban, Aglipay, at Dibiwen Falls sa Barangay Dingasan, Cabarroguis.

“The 2-lane agri-tourism road with shoulders on both sides will not only allow easy and safer access to Quirino’s new waterfalls, but also support farmers in the area,” sabi ng district engineer na si Asuten.Sa ngayon, isang maliit na bahagi ng buong proyekto ang nakikinabang na sa mga magsasaka na mas madali nang dalhin ang kanilang mga ani at iba pang matataas na halaga tulad ng lanzones at rambutan, dagdag ni District Engineer Asuten.

Gayundin, ang oras ng paglalakbay patungo sa Dibiwen Falls ay nabawasan din ng isang oras mula sa dulo ng sementadong kalsada.

Kapag ganap na natapos, ang tourism road ay inaasahang mapakikinabangan din ng mga residente ng Barangay Alimit sa munisipalidad ng Kasibu, Nueva Vizcaya.