Niyanig ng 4.6-magnitude na lindol ang Masinloc, Zambales ngayong Biyernes, Hulyo 15, dakong 4:36 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 7 kilometro ng Timog Kanluran ng Masinloc Zambales na may lalim ng 40 na kilometro.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Naitala ang Intensity II sa Quezon City.

Samantala, naitala ang instrumental intensity sa mga sumusunod sa lugar:

Intensity IV - Iba, Zambales

Intensity III - Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales

Intensity II - Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales

Intensity I - Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Quezon City, Navotas City, Metro Manila; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang sanhi ng lindol. Gayunman, walang inaasahan na pinsala at aftershocks dahil sa lindol