Higit pang pinalakas ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang blood donation campaign dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng dengue cases na naitatala sa bansa.

Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), tumaas ng 90% ang naitalang dengue cases sa bansa sa unang anim na buwan ng taong 2022, kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa isang pahayag naman nitong Huwebes, sinabi ng PRC na ilan sa mga dengue cases ay nangangailangan ng blood transfusion sanhi upang paigtingin pa nila ang kanilang blood donation campaign.

Ayon sa PRC, sa ngayon ay tumatanggap na sila ng walk-in blood donors sa may 102 pasilidad nila sa buong bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagtatag na rin umano sila ng strategic partnerships sa mga pampubliko at pribadong kumpanya para sa pagdaraos ng Mobile Blood Donation (MBD), na ang layunin ay gawing mas accessible sa mga komunidad sa buong bansa ang pagdo-donate ng dugo.

Nabatid na hanggang noong Hulyo 13, nakapag-dispense na ang PRC ng 2,267 blood units sa may 774 dengue patients.

"Sa dumadaming kaso ng dengue sa ating bansa, tinitiyak natin na laging sapat ang suplay ng dugo sa Red Cross para sa mga kababayan natin na nangangailangan nito,” ayon kay PRC Chairman at CEO Richard Gordon.

Hinikayat rin niya ang mga malulusog na indibidwal na regular na mag-donate ng dugo sa pamamagitan ng kanilang 102 pasilidad sa buong bansa, upang makapagligtas ng buhay.

“For blood donation, blood requests, and other inquiries, email the PRC NBS at [email protected] or contact the PRC Blood Call Center which may be reached nationwide by dialing 143,” anang PRC.