DAVAO CITY – Dumagsa ang mga tao sa bagong pampublikong aklatan sa lungsod na nagbukas ngayong Biyernes, Hulyo 15.

Sa isang advisory, inihayag ng Davao City Library and Information Center (DCLIC) na bukas na ang modernong apat na palapag na library, mula 7 a.m. hanggang 7 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

“The Davao City Library has reached its maximum capacity. For your convenience and safety, we suggest Dabawenyos to visit the library later this evening or next week,” saad ng pamunuan nito matapos dagsain ng mga parokyano ang library alas-3 pa lang hapon nitong Biyernes.

Sinabi ni DCLIC head Sandy Enoc sa Davao City Disaster Radio (DCDR 87.5) na lumalakas ang panawagan na gawing bukas ang library ng lungsod 24/7 ngunit hindi pa sila nagsasagawa ng isa pang survey kung ito ay pabor sa pangkalahatang publiko.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi niya na ang aklatan ay may pinakamataas na kapasidad na 250.

“There is another clamor to extend it, or maybe for 24 hours, but we need to discuss it with the Board. We will make a survey again because the last time we did a survey on this, the result was 50-50. The Board decided that we need to have another survey and we will see,” aniya.

Sinabi niya na bukod sa mga espasyong inilaan para sa mga mag-aaral at mananaliksik, ang aklatan ay mayroon ding library café na katabi ng seksyon ng pahayagan nito sa ground floor, conference room at Information Technology sa ikaapat na palapag, at isang organikong hardin sa roof deck.

Ang mga kliyente ay kailangang magparehistro at magbayad para sa mga membership card - P100 para sa mga residente at P30 na hindi residente, aniya.

Sinabi niya na ang mga residente lamang ang maaaring humiram ng mga libro habang ang mga hindi residente ay maaaring humiram ng mga libro para sa in-house na paggamit ngunit ang mga gumagamit ng library ay maaaring makakuha ng akses sa libreng internet sa loob ng isang oras.

Hinikayat ni Enoc ang mga tao, kabilang ang mga hindi mag-aaral at hindi mananaliksik, na bumisita sa aklatan.

“The concept of this library is different as it’s not only intended for students and teachers. It’s a space where you can collaborate ideas. Those who need help with online registration for NBI or PRC (National Bureau of Investigation or Professional Regulation Commission), visit us in the library because you will be assisted,” aniya.

Sinabi niya na kinilala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ang bagong bukas na aklatan bilang "pinaka-makabagong aklatan sa Pilipinas" sa ilalim ng kategoryang adaptive programs and services.