Dahil usap-usapan kamakailan ang tungkol sa bagong ₱1,000 polymer banknote, naglabas din ng saloobin ang talent manager na si Ogie Diaz tungkol dito.

Sa isang vlog kasama sina Mama Loi at Mrena noong Hulyo 12, sinabi ni Ogie na ang mga tao pa raw ba ang mag-aadjust sa pera.

Bago ito, biniro pa siya ng kaniyang kasama na si Mama Loi. Akala raw niya eh pa-premyo ito sa kanilang dalawa ni Mrena.

"Pag-prinize ko sayo, bawal tupiin, bawal malukot, bawal i-staple, bawal punitin," sey ni Ogie.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"Baka pati hawakan, bawal hawakan ah?" sagot naman ni Mama Loi.

"Eh 'di na ano rin ako, nag-fine ako ng 20,000 plus 5 years sa kulong... yun ang parusa. Hindi ko tuloy maitupi jusko. So ano ito? Mag-aadjust kami sa pera?" banat ng talent manager.

Dagdag pa nito, wala raw karapatan ang mga tao na magkaroon ng bagong pera kung ipapasok lamang ito sa coin purse dahil malulukot lamang ito.

Matatandaan na nag-viral ang Facebook post ng isang netizen na nagrereklamo dahil hindi umano tinatanggap ng isang mall ang natuping bagong ₱1,000 bill. Ayon sa netizen, hindi raw sila naabisuhan na may ganoong patakaran.

Gayunman, nanawagan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga retailer at bangko na dapat pa ring tanggapin ang mga natuping pera, papel man o ‘yong bagong labas na polymer. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/natuping-polymer-banknotes-dapat-pa-ring-tanggapin-bsp/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/12/natuping-polymer-banknotes-dapat-pa-ring-tanggapin-bsp/

Sa naturang vlog, binanggit ni Ogie ang mga guidelines ng BSP tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin sa bagong pera.

“Sa old money na lang ako. Pag ganiyan, iiwasan ko na lang yan,” natatawang sabi ni Mama Loi.