LUCENA CITY, Quezon – Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nabangga at nasawi ng kasalubong na tren ng Philippine National Railways (PNR) nitong Huwebes, Hulyo 14.

Ang biktima, ayon sa ulat ng pulisya, ay nasa impluwensya ng alak at sinubukang tumawid sa riles ng PNR alas-5:05 ng umaga.

Ang tren na may body number DHL-001 ay minamaneho ni Aldren de Los Santos, 41, ng San Pablo City, Laguna.

Sinabi ni PNR Lucena Station Train Marshall Hare Lord Lavadia sa pulisya na ang biktima ay nabundol ng tren at nahulog sa gilid ng riles. Huminto ang tren at dinala ang biktima sa ospital kung saan idineklara itong patay alas-11:22 ng umaga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabigo ang PNR-Lucena Station na iulat ang insidente sa Lucena City PNP para sa kaukulang disposisyon, ayon sa ulat.

Sinabi ni Police Executive Master Sgt. Aldin Rañola, officer-on-case, na iniimbestigahan pa ang insidente upang matukoy kung may nagawang krimen o aksidente lang ang insidente.

Ang serbisyo ng tren sa linya ng PNR Lucena-San Pablo ay naibalik matapos itong tumigil sa operasyon noong Oktubre 2013.