Nakarelate ang maraming netizens sa isang komiks strip ng satirical page na Cartoonist ZACH tampok ang dinaranas na kalbaryo ng mga komyuter.

Sa halos balik-normal nang pamumuhay sa Metro Manila dalawang taon mula nang pumutok ang pandemya, mas maraming Pilipino na muli ang araw-araw na pumapasok sa kanilang mga trabaho.

Dahil sa kaliwa’t kanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin ay kadalasa’y pipiliin pa rin ng mga magigiting na komyuter ang pagsabak sa mga pampublikong sasakyan na may pagpipiliang libre o ‘di hamak na mas mura kumpara sa iba pang alternatibo.

Ito ang pinaghugutan ng dibuhista sa likod ng Cartoonist ZACH sa isang komiks strip na tinawag niyang “buhay-commuter.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pawang sagot sa mga pumupuna pa sa umiindang komyuter ang mensahe ng obra.

Komiks Strip ni Cartoonist ZACH/via Facebook

Matapos ibahagi sa publiko noong Hulyop 13 ay maraming netizens naman ang nakarelate sa kalbaryo ng pampublikong transportasyon sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

“Agree ako sa part about the Skyway. True me Skyway nga pero sa totoo lang hindi lahat nakakaavail ng daang ito. Sana lang talaga maayos na natin ang ating mass transport system. kung maayos ang ating mass transport system mas marami ang gagamit nito at di na need magdala ng sariling sasakyan,” saad ng isang netizen.

“The result of greed and incompetent elected leaders without an innovative vision for its people,” segunda ng isa pa.

“That's what happens when you have an economy virtually concentrated in Metro Manila. Open up the provinces, put up quality schools, hospitals, restaurants, malls, BPOs, factories there, and Manila will be decongested. Federalism is not the sole solution - but it is an integral part of the solution,” suhestyon naman ng isang netizen.

“And the irony is this: napakarami sa mga commuters na araw-araw sumusuong sa ganyan ay mga trapo ang ibinoboto kada eleksiyon. They just can't see the connection. At sa dami nila, damay ang iba,” saloobin ng isa pa.

“Huwag daw magreklamo ang taxpayers dahil libre ang sakay??? Priniprito sa sariling mantika ang taxpayers habang ang mga bayarang trolls, pulitiko at taong gobyerno nagpapakasasa sa pera ng taong bayan. Kapal ng mukha niyo!”

Kasalukuyang umani ng mahigit 7,800 reactions at 4,400 shares ang komiks strip sa Facebook.