Sey niP3PWD Party list Rep. Rowena Guanzon kaya raw nag-private ng Twitter account ang 'Maid in Malacañang' star na si Ruffa Gutierrez dahil hindi raw nito kinaya ang bardagulan.

Sa isang tweet nitong Huwebes, Hulyo 14, nireplyan ni Guanzon ang tweet ng isang Twitter user na@supernegatrona.

"Inano niyo si Ruffa? Bakit nag-private HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA," sey ng Twitter user.

Sagot naman ni Guanzon, "Hindi nya kinaya ang letter B for Bardagulan."

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1547455289397760001

Nang tingnan ng Balita ang Twitter account ni Ruffa, siya nga ay nakaprivate na ngayon.

Matatandaan na may isang tweet si Guanzon ukol sa umano’y dalawang kasambahay na pinalayas sa isang first-class village nang hindi nasasahuran ang walang anu-ano’y si Ruffa.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first-class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” saad ni Guanzon sa kaniyang tweet noong Huwebes, Hulyo 7.

Agad naman itinanggi ng aktres ang paratang.

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true. There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” unang tugon ni Ruffa sa parehong thread.

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting every day, all day, all night for #MAIDinMALACANANG – You should watch it BTW. You’re gonna love it,” saad ni Ruffa.

Basahin ang buong detalye:https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/