Tiniyak ng Philippine Postal Corporation (Post Office) nitong Huwebes na naideliver na nila sa intended recipients, ang lahat ng PhilSys IDs na nai-turned-over sa kanilang tanggapan.

Kasabay nito, nagbigay rin ng paglilinaw ang Post Office hinggil sa isinasagawa nilang delivery ng mga nasabing IDs at binigyang-linaw na kung nagkakaroon ng delay o pagkaantala sa delivery ng mga IDs ay wala sa kanilang tanggapan ang problema dito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Staying true to our mandate to deliver efficient, competitive and on-time delivery of goods and services, we would also like to clarify some issues and be given a chance to answer. So ngayon ang tanong, ang sabi- hindi pa raw nila natatanggap yung IDs nila dahil hindi pa namin nade-deliver,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio.

“There is a way wherein you can verify or check your PhilSys ID. We have a post office website where you can track your IDs. If the result is, NOT FOUND, ibig sabihin noon, hindi pa nare-receive ng Post Office ang mga ID. Wala po sa amin ang problema, yun po ang malinaw dun,” aniya pa.

Ani Fulgencio, sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 13.7 milyon ang PhySys IDs na naideliber nila sa buong bansa.

Katumbas aniya ito ng 94% ng 14.5 milyong ID cards na nai-turned over na para i-dispatch noong Hunyo 30, 2022.

Ang natitira pa naman aniyang 6% o 774,650 ID cards ay naka-dispatched na rin o kasalukuyan nang idinedeliber ng Post Office sa malalayong lugar sa bansa.

“Only six percent (6%) or 774,650 ID cards are ongoing or being delivered by the Post Office in far flung areas of the country. We presumed that some of them have already received their IDs as of the moment,” dagdag pa ni Fulgencio.

Pinayuhan rin naman ng Postmaster ang publiko na kung ang resulta ng tracking service nila ay “not found,” ay maaari silang tumawag sa Hotline ng Philippine Identification System na 1388, magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang Facebook Messengerm.me/PSAPhilsysOfficialo mag-email sa[email protected].

“We are given 30 days to deliver the Philsys ID in far flung areas in Luzon, Visayas and Mindanao. In cities it will take us less than 15 days to deliver. Sometimes, we attempt to deliver twice because the recipient's house is closed. Others are working or transients (moving).  We can’t avoid these things,” aniya pa.

“The Post Office and the PSA already discussed doing the Plaza or cluster type delivery– (PHILIDs will be grouped according to barangays or clusters and delivery will be scheduled at a specified location to be coordinated with LGU or barangay officials, to be undertaken by letter carrier/s and other assigned post office employees) in order to address this kind of situations,” pagtatapos pa ni Fulgencio.