Nagsalita na ang Blackwater Bossing player na si Paul Desiderio ukol sa kanya ukol sa umano'y pambubugbog dating kinakasama nitong si Jean Agatha Uvero. Aniya, makikipagtulungan siya sa isasagawang imbestigasyon ng Philippine Basketball Association (PBA).

Binanggit ni Uvero na sinakal siya ni Desiderio, sinipa, sinuntok at isinalya sa pader kahit ipinagbubuntis pa lang nito ang anak nila ng manlalaro.

Sa isang Facebook post, pinutol ng basketball player ang pananahimik nito ukol sa isyung ibinabato sa kanya at sinabi na ikinalulungkot niya ang paratang ni Uvero dahil hindi umano ito totoo.

Aniya, inaasahan pa man din niya na magiging civil sila sa isa't isa pagkatapos ng kanilang paghihiwalay, alang-alang sa kanilang anak.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mariin din na itinanggi ni Desiderio ang alegasyon. Giit pa niya, nagkaroon na siya ng mga relasyon bago si Uvero, at mayroon din siyang anak na babae mula sa isang nakaraang relasyon. Aniya, hindi pa niya nagawang nanakit ng babae, lalo na hindi 'yung nanay ng anak niya.

"I will fully cooperate with the PBA in the conduct of its investigation and I am confident that I will be absolved of the accusations hurled against me," pahayag ni Desiderio.

"I will also face any complaint against me in any forum, especially in relation to domestic abuse accusations. I also reserve the right to seek redress for these defamations against my name and person. I have worked hard for the little that I have achieved in my life, and I have always done it with dedication and honor. I will fight for the honor of my and my family’s name and reputation because that is all we have," dagdag pa niya.

Humihingi rin siya ng paumanhin sa lahat ng mga naapektuhan bilang resulta ng isyung ipinukol sa kanya — sa kanyang pamilya, mga kaibigan, koponan na Blackwater, at sa kanyang mga anak.

Samantala, paliwanag naman sa PBA, hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng domestic abuse at dapat ding pagtuunan ng pansin ng pamunuan ng Blackwater ang alegasyon ni Uvero.

BASAHIN: Paul Desiderio, iniimbestigahan na ng PBA sa alegasyong pambubugbog sa dating partner

“No matter the cause or circumstances, physical and psychological abuse of women, whether in the confines of marriage or not, is inexcusable. This report deserves to be given serious attention by both the ballclub concerned and the PBA itself,” ayon sa PBA.

“The league will conduct an inquiry and hand down its findings and resolution as soon as the facts are clearly established. We are confident that the Blackwater management will extend its full cooperation and assistance toward ensuring that a just determination is reached,” pahayag ng PBA.