'WELCOME PO KAYO SA MANILA!'
Kinilala ng global magazine na Time Out ang Lungsod ng Maynila sa bilang isa sa 53 pinakamahusay na lungsod sa mundo, na kasalukuyang nasa ika-34 na puwesto sa inilabas na Index 2022.
"And now… the results of the Time Out Index 2022 are in! As ever, we’ve crunched all that data and used it to come up with our annual ranking of the world’s greatest cities. For the past two years, the list has focused on how cities pulled together through the pandemic and made life (just about) tolerable during lockdowns. But now, after two years of travel curbs, the world is opening up again, and we – like you – are itching to get back out there."
Sinabi ng Time Out na sa kabila ng kaguluhang dulot ng sobrang populasyon pati na rin ang epic traffic jams ng kabisera, ipinagmamalaki ng Maynila ang mayamang sining at kultura.
Paglalarawan ng Time Out, ang pamana ng mga impluwensyang Intsik, Espanyol, at Amerikano ay humuhubog sa Maynila bilang isang underrated hub para sa sining at kultura, na may kakaibang mga kaugalian at lutuin upang i-boot.
"The city really is thriving again. Let Manila entertain you as it has before with its high-end shopping malls, eclectic contemporary art galleries and the edgy music venues of the south," anang global magazine.
Kung nakaraang taon, 'community spirit' at 'resilience' ang dalawa sa pinakamahalagang salik, ngayong taon ay nagdagdag ang global magazine ng mga salik tulad na lamang na maaaring mailarawan bilang napakagandang lugar at magandang bisitahan at tirahan.
Ang mga nangungunang lungsod sa taong ito ay ang mga may maunlad na nightlife, kamangha-manghang pagkain at inumin, at sagana sa sining, kultura at museo.
Nag-highlight rin ang Time Out ng mga lugar na hindi nakakainip o masyadong mahal o overrated, at tiniyak umano ng global magazine na maganda rin ang score ng kanilang mga top pick para sa mga praktikal na bagay tulad ng walkability, magandang pampublikong sasakyan at kaligtasan, pati na rin ang sustainability.
Samantala, ang nangungunang 10 pinakamahusay na lungsod ng Time Out ay ang Edinburgh sa Scotland, Chicago sa US, Medellin sa Colombia, Glasgow din sa Scotland, Amsterdam sa Netherlands, Prague, kabisera ng Czech Republic, Marrakech sa Morocco, Berlin sa Germany, Montreal sa Canada, at Copenhagen sa Denmark.