Nananawagan ngayon si Senador Risa Hontiveros na pirmahan na ng ehekutibo ang Anti-Online Sexual Abuse & Exploitation of Children bill (OSAEC) para proteksyunan ang mga bata laban sa online sexual abuse.
Ang panawagang ito ay kasunod ng kumakalat na screenshot mula sa isang YouTube channel na nagbibigay umano ng “tips” kung paano mapapayag umano ang isang bata na makipagtalik.
"These horrifying photos tell us what we already knew: that an Anti-Online Sexual Abuse & Exploitation of Children law is absolutely and urgently needed," saad ni Hontiveros sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Hulyo 14.
"I call on the executive to sign the Anti-OSAEC law now. Our children need the full power & protection of this measure," dagdag pa niya.
Ang Senate Bill No. 2209 o angAnti-OSAEC bill na niratipikahan ng Kongreso ay nagpapatibay sa proteksyon para sa mga bata sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga internet intermediary at iba pang internet o payment service providers na tanggalin ang mga websites na nagpapalabas ng mga iligal na content na naglalaman ng pang-aabuso sa mga menor de edad.
Nanawagan din si Hontiveros sa Facebook, YouTube, Anti-cybercrime group na tingnan ang mga taong nasa likod ng naturang accounts.
"@facebook, @YouTube, @PNPpio Anti-cybercrime group, please have a look. The people behind these accounts should be brought to justice," aniya.
"To my followers, please keep reporting the Usapang Diskarte page & channel," dagdag pa niya.