BAGUIO CITY -- Nahatulan ng habambuhay at karagdagang 14 na taong pagkakakulong ang isang miyembro ng drug group kaugnay ng pagbebenta nito ng iligal na droga noong 2021.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Director Gil Cesario Castro, hinatulan ni Judge Lilybeth Sindayen-Libiran ng Branch 61, Regional Trial Court, Baguio City, si Bertito Ilumin Ramirez ng life imprisonment at pinagmumulta ng  P500,000.00 kaugnay sa kasong paglabag sa Section 5 (selling of illegal[ drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

Labi ng dalagang inanod ng baha noong bagyong Kristine, natagpuan sa isang creek

Bukod dito, pinatawan ding makulong ng 14 taon si Ramirez at pagmumulta ng P300,000 bilang paglabag sa Section 11 ng parehong batas kaugnay naman sa pag-iingat nito ng iligal na droga.

Ayon kay Castro, si Ramirez ay naaresto noong Abril 28, 2021 sa isang entrapment operation sa may SLU-SVP Barangay, Baguio City.

Labis namang nagpasalamat si Castro sa matagumpay na paghawak ni Baguio City Prosecutor Oliver Prudencio sa kaso.