May pahayag umano ang kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap para sa 'matanda' na kamakailan lamang ay pinag-usapan, matapos niyang tawaging 'Old Lady' ang umaaway kay actress-beauty queen Ruffa Gutierrez, na ipinagpalagay ng mga netizen na ang pinatutungkulan ay si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
"Hi Ruffa Good Morning… I know you are on your way to It's Showtime, just know that I am here, we are all here… let's make a content about it, sana may free time pa tayo," pahayag umano ni Yap.
"Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/darryl-may-payo-kay-ruffa-wag-patulan-at-basagin-ang-trip-ng-nang-aaway-sa-kaniyang-old-lady/">https://balita.net.ph/2022/07/12/darryl-may-payo-kay-ruffa-wag-patulan-at-basagin-ang-trip-ng-nang-aaway-sa-kaniyang-old-lady/
Ipinaraan sa opisyal na Facebook page ng VinCentiments ang kaniyang 'pahayag'. Aniya, hindi raw lahat ng matanda ay gurang. May matatanda umang kagalang-galang. Ibinigay niyang halimbawa sina dating Senador Juan Ponce Enrile, dating First Lady Imelda Marcos, at National Security Adviser Prof. Clarita Carlos.
"Direk Darryl’s STATEMENT about MATANDA."
Let's be clear about one thing, hindi lahat ng matanda ay gurang. Yung ibang matanda, kagalang-galang. Take the case of Enrile, Imelda Marcos, Clarita Carlos--mga kagalang-galang."
Habang ang iba naman daw, walang pinagkatandaan.
"Yung iba, jusko, kagurang-gurang. Walang pinagkatandaan. MAGKAIBA ANG BARDAGULAN. SA bardaGURANG."
Matatandaang nagparinig na rin umano si Guanzon sa kaniya.
"I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan," saad ng dating komisyuner.
Sa isa pang tweet, tila bumanat ulit si Guanzon para naman sa isang hindi pinangalanang abogado.
"Kelan pa ako naging purveyor of fake news? Attorney (who?) baka ka ma-disbar. Careful… #Bardagulan," aniya.
Sa isa pang tweet, tila pinasasaringan naman niya ang isang personalidad na umano'y tumawag sa kaniyang "damatands" o matanda.
"You can call me Bruneiyuki or a whore, bitch, but if you call me damatands, I will call you a pedophile. #Bardagulan."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/guanzon-hindi-umano-purveyor-ng-fake-news-may-pinatamaang-tatawaging-pedophile/">https://balita.net.ph/2022/07/12/guanzon-hindi-umano-purveyor-ng-fake-news-may-pinatamaang-tatawaging-pedophile/
Bagama't walang binanggit na pangalan, suspetsa ng mga netizen ay si Darryl ang kaniyang pinatutungkulan, kaugnay ng isyung kinasangkutan nito noon.