Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na ang nominasyon ni Raphael Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy (DOE) ay alinsunod sa batas.
Sinabi ng DOJ na maaaringmauposiLotilabilang bagong kalihim ng DOE.Paliwanag ng DOJ, si Lotilla ay isang independent director ng Aboitiz Power and Exenor at hindi opisyal ng energy company kaya naman hindi sakop ng Republic Act 7638 o Department of Energy Act of 1992.
Sa ilalim ng Section 8 ng nabanggit na batas, ang sinumang opisyal o external auditor, accountant o legal counsel ng anumang private companies o enterprise na may kaugnayan sa energy industry ay hindi uubrang maging energy secretary sa loob ng dalawang taon mula sa petsa ng kanyang retirement, resignation o separation.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Lotilla sa puwesto kapalit ni dating DOE Secretary Alfonso Cusi.