Nagpositibo sa red tide ang mga shellfish sa tatlong lugar sa Eastern Visayas, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa abiso ng BFAR sa rehiyon, nagpositibo saparalytic shellfish poisoning toxinang mga sample mula sa karagatang sakop ng Biliran Island; Leyte, Leyte; at Daram, Samar.
Dahil dito, umapela ang BFAR sa publiko na iwasan muna ang pag-ano, pagbili, at pagkain ng anumang klase ng shellfish at alamang o hipon sa mga nasabing dalampasigan.
Maaari namang kainin ang mga isda, pusit, at alimango basta hugasan nang husto bago lutuin.