Hiniling ni Senador Robinhood "Robin" Padilla na gamitin ang kaniyang buong pangalan sa komunikasyon at korespondensya opisyal ng Senado.

Sa pamamagitan ng kaniyang liham sa Senate Secretary na si Atty. Myra Marie Villarica, hiniling ni Padilla na nais niyang ma-address sa kaniyang buong pangalan na "Robinhood C. Padilla".

May be an image of text that says 'ROBINHOOD PADILLA SENATOR 06 July 2022 PTD ATTY. MYRA MARIE D. VILLARICA Secretary Senate of the Philippines Dear Senate Seenetary Villarion, This is respectfully inform your good office this Representation's preference to be addressed as ROBINHOOD C. PADILLA for all Senate communications and correspondences. Thank you. Yours truly, SENATE TNTOPHLELM.LOO OF ገገዬ PHILIPPINES, ROOM 506 GSIS INANCIAL CENTER CCP OM PASAY CITY 300PHIIL.IPPINES| Trink PISAYCTY10P1T4 line R552 6601 loc. 5741 4'
Larawan mula sa ABS-CBN News via Senador Robinhood Padilla

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

Kilala ang senador sa screen name na "Robin Padilla" simula nang pumasok ito sa showbiz, at tinatawag din sa palayaw na "Binoe".

Ipinaliwanag din ni Padilla na sa Senado lamang niya gagamitin ang kaniyang tunay na pangalan, at Robin pa rin ang nais na itawag sa kaniya ng iba.

"Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado," paliwanag niya.