Matapos magkomento ang dating MasterChef contestant na si Pebbles Cunanan sa naging pahayag ni "Magandang Buhay" guest co-host Judy Ann Santos-Agoncillo kung bakit nahihirapan itong gumawa ng mga episode sa kaniyang online cooking show, agad daw siyang inatake ng ilang Kakampinks o tagasuporta ni Leni-Kiko tandem noong halalan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-cunanan-nagkomento-sa-pahayag-ni-juday-tungkol-sa-cooking-vlog-diskarte-ghorl-turuan-kita/">https://balita.net.ph/2022/07/13/pebbles-cunanan-nagkomento-sa-pahayag-ni-juday-tungkol-sa-cooking-vlog-diskarte-ghorl-turuan-kita/

Ayon sa latest Facebook post ni Pebbles Cunanan, Hulyo 12, masaya ang kaniyang pakiramdam kaya hindi siya masyadong nakakapagbasa ng mga ganap sa social media lately. Nagulat na lamang siya sa PM ng kaniyang mga kaibigan, na trending na raw siya.

Marami raw sa mga Kakampink ang "tumalak" dahil sa nabanggit niyang subukin daw ni Juday na mapasarap ang "lugaw ni Leni", ang madalas na ibinabatong patutsada sa dating Vice President Leni Robredo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kahit may dinaramdam ay sinagot ito ni Pebbles at iniugnay sa ginawa umano ng mga Kakampink kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. noong kampanya.

"Ano daw kuneksyon kay Leni?"

"Kahit masakit ulo ko sasagutin ko…"

"Mga KAKAMPUCHANG INAMEZ, sa inyo ko natutunan ang pag-konek ng mga salita, pangyayari, pagkain, hayup at gamit sa isang tao. Di ba 'yan ang ginawa n'yo kay BBM, pati nga mga staff ng mga restaurant dinamay n'yo dahil doon sa suot na damit ni BBM noong interview niya kay KORINA SANCHEZ."

"Si Leni lang ba ang may kuneksyon sa lugaw? Yung kapitbahay naming nagtitinda ng lugaw Leni ang pangalan, hindi nga lang Robredochhh ang surname niya, ang surname niya is LUUTHANG….may lahing Chinese kasi…"

"Pink din naman si Juday mga atake n'yo talaga 'LANG KUWENTA'…."

"Yung isa naman ang sabi tamad daw yung Presidente, kakaupo pa lang tamad agad, yung profile picture tiningan ko mukhang hindi naman masipag yung nag-post, juicemio….mga mema lang ha."

"Ok na! Nasagot ko na ba?"

"May mali ba sa post ko? Inulit-ulit kong basahin wala naman… bala na kayo jernnnnn… Thank you sa mga Kakampink na nag-share ng post ko ha, salamat sa radikal na pagmamahal oh ayan nakonek ko na naman ha, Tabeeeeh….pahinga muna ako."

At kaugnay naman sa naging kontrobersiyal na komento niya kay Juday, tila naalala ni Pebbles na ang actress-host ang nagsilbing judge nila sa MasterChef Pinoy Edition.

Isa sa mga naging hamon sa kanila roon ay ang "100 Challenge" o pamimili at paggawa ng isang masarap na putahe mula sa limitadong budget. Aniya, kayang-kaya rin itong gawin ni Juday.

"Oo nga pala judge ko si Juday sa MasterChef Philippines… nakalimutan ko. Kaya mo 'yan Chef Juday, kami nga may 100 peso challenge sa MasterChef Philippines, tapos namili kami sa grocery hindi sa palengke kasi doon kami dinala sa grocery ng mga staff ng programa, 100 peso challenge tapos sa grocery kami namili, pero natapos ko yung challenge nang maayos. May sukli pang 24 pesos."

Si Pebbles Cunanan ay isang UniTeam supporter.

Wala pang tugon o pahayag si Judy Ann Santos-Agoncillo tungkol dito.