Nagkomento ang dating MasterChef contestant na si Pebbles Cunanan sa naging pahayag ni "Magandang Buhay" guest co-host Judy Ann Santos-Agoncillo kung bakit nahihirapan itong gumawa ng mga episode sa kaniyang online cooking show.
Ayon kay Juday, medyo nahihirapan siyang mag-isip ng recipe lalo't sa mahal ng mga bilihin ngayon, baka hindi ito maka-relalet sa viewers niya.
“Ang hirap kasing mag-isip ng mga episode especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.” paliwanag ng aktres.
"Ayaw kong maka-relate ‘yung viewers sa kung ano mang lutuin ‘yung gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman ‘di ba?” dagdag pa niya.
Hindi naman ito pinalagpas ni Pebbles.
"Diskarte ghorl… mag-isip ka ng mga puwede mong ipalit na ingredients juicemio… palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh…," aniya.
Isantabi raw muna ni Juday ang mga napag-aralan nito sa culinary school.
"Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal 'yan, ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puwede mong gamiting ingredients sa pagluluto."
"Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzzz… Tabehhhhh…turuan kita… bet mo… aaay magaling ako magluto nohhhh…"
Ang "MasterChef Pinoy Edition" ay hango sa British reality competitive cooking series, "MasterChef." Si Judy Ann ang nagsilbing host-judge nito, kasama ang iba pang judges chefs na sina Fernando Aracama, Rolando Laudico at JP Anglo.
Samantala, wala pang pahayag si Juday hinggil dito.