Iniimbestigahanna ng Philippine Basketball Association (PBA) ang alegasyong pambubugbog ni Blackwater Bossing player Paul Desiderio sa dating kinakasamang si Jean Agatha Uvero.

Paliwanag ng PBA, hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng domestic abuse at dapat ding pagtuunan ng pansin ng pamunuan ng Blackwater ang alegasyon ni Uvero.

Sinabi ng PBA na tugon nila ito sa naging alegasyon ni Uvero nitong Miyerkules na dumanas siya ng physical at emotional abuse sa panahon ng kanilang pagsasama.

"No matter the cause or circumstances, physical and psychological abuse of women, whether in the confines of marriage or not, is inexcusable. This report deserves to be given serious attention by both the ballclub concerned and the PBA itself," ayon sa PBA.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

"The league will conduct an inquiry and hand down its findings and resolution as soon as the facts are clearly established. We are confident that the Blackwater management will extend its full cooperation and assistance toward ensuring that a just determination is reached," ayon pa sa pahayag ng PBA.

Binanggit ni Uvero na sinakal siya ni Desiderio, sinipa, sinuntok at isinalya sa pader kahit ipinagbubuntis pa lang nito ang anak nila ng manlalaro.

Matatandang hindi na nakalaro ni Desiderio sa kanyang koponan dahil sa ACL injury noong Mayo.

Kaugnay nito, binatikos naman ng mga netizen si Desiderio matapos kumalat sa social media ang usapin.

Umaasa ang isa sa mga ito na hindi na makababalik sa PBA si Desiderio kasabay ng kanyang dasal na hindi na makarerekober sa injury ang manlalaro.