Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ni Wilbert Tolentino, talent manager ni Herlene Nicole “Hipon Girl”, ang inabot na halaga ng pagpapagawa niya ng parehong national costume at long gown ng aspiring beauty queen.

“Six digits!” Ito lang ang sabi ni Wilbert sa naging panayam ni Herlene kay Mama Loi kamakailan nang mapag-usapan ang pinaghandaang national costume ng kandidata.

Nitong Miyerkules, ibinalandra na ni Herlene sa kaniyang Instagram ang buong look ng kaniyang national costume na likha ng kilalang pintor sa Angono, Rizal at sikat na designer na sina Herbert Pinpino at Patrick Isorena, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang buong inpirasyon ng costume ay pagbibigay-pugay ni Herlene sa sikat na Higantes Festival ng Angono na ipinagdiriwang sa tuwing ika-23 ng Nobyembre.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa Sabado, Hulyo 16, nakatakdang ganapin ang national presentation ng mga kandidata.

Samantala, naispluk din ni Wilbert sa parehong panayam kay Mama Loi ang ilang detalye ng inaabangan nang evening gown ni Herlene sa finals night Binibining Pilipinas sa Hulyo 31.

“Six digits. Siguro almost times three (x3) doon sa national costume niyang six digits [din],” pagkukumpirma ni Wilbert nang matanong ni Mama Loi.

Dagdag nito, ang kilalang Pinoy designer na si Rian Fernandez ang nasa likod ng pasabog na gown.

“Tatatak.” Ganito na lang ang paglalarawan ni Wilbert nang matanong pa sa ilang pang detalye ng gown.

Ang titulong Miss Grand International ang nais masungkit na korona ni Herlene sa Binibining Pilipinas.

Sa kasaysayan ng Philippine pageantry, nananatiling mailap na korona ang nasabing Thailand-based title.