Hindi naging maganda ang pagsisimula ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2022 FIBA Asia Cup nang matalo sila ng Lebanon, 95-80, sa Jakarta, Indonesia nitong Miyerkules ng gabi.
Nawalan ng saysay ang husay nina Rhenz Abando, Carl Tamayo at SJ Belangel nang umangat sa 21 puntos ang Lebanon matapos ang third quarter.
Sa huling bahagi ng laro, humabol pa ang Gilas kung saan naibaba nila sa siyam ang abante ng kalaban, 74-83.
Gayunman, pinahirapan pa rin ng Lebanon ang Gilas hanggang sa matalo ang mga ito.
Kumayod nang husto sinaWael Arakji, Jonathan Arledge atHayk Gyokchyannang humina ang depensa ng mga manlalarong Pinoy.
Hawak ngayon ng Lebanon ang kartadang 1-0 panalo-talo, kaparehas ng New Zealand sa Group D habang magkaparehas naman sa 0-1 ang Gilas Pilipinas at India.
Nauna nang pinulbos ng New Zealand ang walang kalaban-laban na India, 100-47.
Sa susunod na laro sa Hulyo 15, makatatapat ng Gilas ang India. Kailangan lamang ng Gilas na makapuwestosa ikatlo sa Group D upangmakasulongsa susunod na round habang ang nangungunang koponan sa bawat grupo ay makakakuha ng quarterfinals spot.