Hindi ikinatuwa ni Rhemuel Lunio o mas kilala bilang "DJ Loonyo" ang cover photo ng Filipino singer-songwriter na si Janine Berdin, na kung saan ay mayroon umanong online petition na nais palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing 'DJ Loonyo International Airport.'

Makikita na ang cover photo ni Berdin ay screenshot ng isang online petition na naglalayong palitan ang pangalan ng airport dahil si Loonyo "ang natatanging bayani dahil sa kanyang ‘hawak bayag dance step.’"

Sa Facebook post ni Loonyo, pinakita nito ang screenshot ng conversation nila ni Berdin at sinabing kapag sa ibang tao ginawa ang meme na iyon ay 'headline' at 'bash' agad ngunit kapag sa kanya ay katuwaan lang.

Pagpapaliwanag naman ng singer, wala umano siyang intensyon na saktan si Loonyo dahil ang natuwa lamang siya sa meme.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Hala Kuya, Hello po! It's really just a meme that I found supper funny. I found it online. I didn't really mean any harm," sagot ni Berdin nang kausapin ito ni Loonyo.

Pinaalalahanan naman ni Loonyo ang publiko na maging sensitibo dahil, aniya'y, "di natin alam pinagdadaanan ng isa’t isa satin."

"Ini-expect ko yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang “RESPETO NA LANG SANA”. Pero para katuwaan sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN. Weird shit!! PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako," dagdag pa ng dancer.

Sa bagong post naman ni Berdin, nag-upload ito ng meme na kung saan ay ipinangalan sa kanya ang NAIA.