Bahagya na namang tumaas ang bilang ng nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) nitong Hulyo 13, kumpara sa naitalang kaso nitong Martes.
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,604 na panibagong kaso, mas mataas kumpara sa 1,363 na tinamaan ng sakit nitong Hulyo 12.
Sa kabuuan, umabot na sa 3,723,014 ang kumpirmadong nahawaan ng virus hanggang nitong Miyerkules.
Lumobo naman ng 398 ang aktibong kaso ng sakit nitong Hulyo 13 kung ikukumpara sa naitalang 14,464 nitong Martes
Limang lugar pa rin ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng tinamaan ng sakit sa nakaraang dalawang linggo, kabilang ang Metro Manila (8,251 cases), Calabarzon o Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (3,880), Western Visayas (1,636), Central Luzon (1,591) at Central Visayas (706).
Ini-report pa ng DOH na nagkaroon din ng pagtaas ng kabuuang nakarekober sa Covid-19 (3,647,512) habang ang bilang ng nasawi sa sakit ay napako sa 60,460.