Ayaw paawat ng tinaguriang "Queen of Bardagulan" na si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa pagpapatutsada sa kaniyang Twitter, kaugnay ng isyu sa pagitan nila ni actress-beauty queen Ruffa Gutierrez.

Kinuha kasi ni Guanzon ang atensiyon ni Ruffa sa pamamagitan ng tweet noong Hulyo 8 tungkol umano sa kumakalat na isyung pinalayas niya ang dalawang kasambahay niya nang hindi sinasahuran.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/">https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/

Agad naman itong pinabulaanan ni Ruffa sa pamamagitan din ng tweet, at kaagad na naglabas ng opisyal na pahayag sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/">https://balita.net.ph/2022/07/11/kampo-ni-ruffa-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-tungkol-sa-maid-issue-may-balak-kasuhan/

Pumagitna na rin dito at handang rumesbak ang kaniyang inang si Annabelle Rama, na ayon sa mga netizen ay orihinal na Queen of Bardagulan, hindi pa man naiimbento o sumisikat ang terminong ito sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/popcorn-please-salpukang-annabelle-at-rowena-inaabangan-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/07/12/popcorn-please-salpukang-annabelle-at-rowena-inaabangan-ng-mga-netizen/

Tila nang-aalaska namang sumagot dito si Guanzon ng "Wait lang dayy!" sa pamamagitan din ng tweet.

Dumipensa naman para kay Ruffa ang direktor ng pelikulang " Maid in Malacañang" na si Darryl Yap. Ibinahagi sa opisyal na Facebook page ng "VinCentiments" ang screenshot ng mensahe ng direktor kay Ruffa.

"Hi Ruffa Good Morning… I know you are on your way to It's Showtime, just know that I am here, we are all here… let's make a content about it, sana may free time pa tayo," pahayag umano ni Yap.

"Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot."

Banat pa niya, "Sandali na lang ang buhay ng matatanda, kung dyan sya masaya, wag natin basagin ang trip nya."

Sa comment section ay makikitang nagkomento si Ruffa.

"I found a true friend in Direk Darryl Yap," aniya. Bumuhos din ang komento ng BBM supporters sa kaniyang post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/12/darryl-may-payo-kay-ruffa-wag-patulan-at-basagin-ang-trip-ng-nang-aaway-sa-kaniyang-old-lady/">https://balita.net.ph/2022/07/12/darryl-may-payo-kay-ruffa-wag-patulan-at-basagin-ang-trip-ng-nang-aaway-sa-kaniyang-old-lady/

Samantala, tila nagparinig din naman si Guanzon sa kaniyang latest tweet nitong Martes, Hulyo 12.

"I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands. #Bardagulan," saad ng dating komisyuner.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1546646260773699584

Sa isa pang tweet, tila bumanat ulit si Guanzon para naman sa isang hindi pinangalanang abogado.

"Kelan pa ako naging purveyor of fake news? Attorney (who?) baka ka ma-disbar. Careful… #Bardagulan," aniya.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1546714406985568257

Sa isa pang tweet, tila pinasasaringan naman niya ang isang personalidad na umano'y tumawag sa kaniyang "damatands" o matanda.

"You can call me Bruneiyuki or a whore, bitch, but if you call me damatands, I will call you a pedophile. #Bardagulan."

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1546718967200645121

Bagama't walang binanggit na pangalan, suspetsa ng mga netizen ay si Darryl ang kaniyang pinatutungkulan, kaugnay ng isyung kinasangkutan nito noon.

Samantalawa, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang direktor tungkol dito.