Nakakuha ng pinakamataas na performance rating si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pulse Asia Ulat ng Bayan Surveys noong Hunyo 2022.

Martin Andanar FB/Pulse Asia

Sa inilabas na performance rating ng Pulse Asia Research, nakakuha si Duterte ng 83 porsiyento sa performance at 87 porsiyento naman sa trust rating. 

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa isang Facebook post ng dating PCOO secretary Martin Andanar, binati niya ang dating pangulo. Nagpapatunay lamang daw ito na tumatak sa puso at isipan ng mga Pilipino ang mga naging programa at polisiya ni Duterte.

"This unprecedented end of presidential term finish only proves how the tapang & malasakit programs and policies of the former president have touched the hearts and minds of the super majority of our countrymen," ani Andanar.

"Again, thank you mayor-president Duterte for raising the bar of public service standard higher. Mabuhay ka!" dagdag pa niya.

Binanggit din niya ang sinabi ni dating Finance Secretary Carlos Dominguez na maaaring ito na ang pinakamataas na naabot ng sinumang Pangulo sa Pilipinas at maging ng iba pang pinuno sa buong mundo.

"In the words of my colleague former Sec. Carlos Dominguez, “PRRD’s end of term Approval ratings is the highest in PH history and perhaps higher vis-a-vis any other world leader. (Fyi… End of term Approval : Reagan 63%, Clinton 60%, Kennedy 58%).”