Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes sa mga magulang at opisyal ng bawat barangay sa lungsod, na tiyakin ang kalusugan ng mga bata sa pre-school.

Ang panawagan ay ginawa ni Lacuna nang pangunahan ang paglulunsad at pagpapatupad ng Dietary Supplementation Program (DSP) para sa pre-school children sa Maynila, sa BBAC Social Hall sa Barangay 841, sa Pandacan.

Katuwang ni Lacuna sa naturang aktibidad sina Manila Health Department (MHD) head Dr. Poks Pangan at assistant MHD chief Dr. Ed Santos.

Ayon kay Lacuna, mahalaga na ang mga bata ay malusog upang matiyak na maganda ang kanilang pundasyon para sa kanilang kinabukasan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, ang DSP ay inisyatibo ng lungsod na layuning masuportahan ang diet ng grupong tinatawag na nutritionally-vulnerable tulad ng mga buntis, sanggol at mga batang anim hanggang 23 buwan sa mga food-insecure households; tatlo hanggang limang taong gulang at mga tinatawag na severely wasted o wasted Kinder hanggang Grade 6 na mga bata lalo na ang mga galing sa sobrang hirap na pamilya.

“This year’s budget of the city for DSP amounting to P2 million will cater 215 beneficiaries among the 48 barangays of Districts 2,4 and 6.This activity will run up to 120 days of feeding from Mondays to Saturdays.Among the beneficiaries are those who are moderately wasted, underweight, and severely underweight and some stunted preschool children,” anang alkalde.

Ipinaliwanag naman ni Pangan na ang mga wasted children ay yaong mga batang ang timbang at taas ay hindi akma sa kanilang edad.

Aniya pa, ang mga benepisyaryo ng programa ay pupurgahin at isasailalim sa physical examination ng health centers sa lungsod, bago tuluyang isailalim sa feeding program.

Idinagdag pa niya na magsasagawa rin sila ng regular bi-monthly weighing sa mga benepisyaryo at kapag walang pagtaas ng timbang sa loob ng isang buwan sila ay susuriin muli sila sa health centers.