Pinalawig pa ang deadline o petsa ng pagpapasa ng mga manuskrito para sa mga nagnanais na mapabilang ang kanilang orihinal na isinulat na kuwentong pambata sa antolohiya ng mga pinakamahuhusay na kuwentong pambata mula sa Lambak ng Cagayan, hanggang Hulyo 25, 2022.

Ayon kay Mark-Jhon R. Prestoza, guro at manunulat para sa mga bata, itinanghal na Ulirang Guro sa Filipino 2021 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), at isa sa mga patnugot nito, ginawa nila ito upang mas makahikayat pa ng mas maraming mga may-akda na makapag-aambag sa kanilang antolohiya.

"Iniimbitahan ang mga kuwentista para sa mga bata mula sa Lambak Cagayan na mag-ambag sa inihandang antolohiya ng mga kuwentong pambata. Ang antolohiya ay naglalayong tipunin ang pinakamahusay na orihinal na kuwentong pambata," aniya.

Kinakailangang ang kuwento ay hindi bababa ng limang pahina at hindi lalagpas ng sampung pahina. Target ng proyekto na makapag-alay ng mga akda para sa mga mambabasang nasa antas elementarya. Kailangang itampok ang kasanayang panliterasi sa likhang kuwento na nakabanghay sa lokal na kultura ng komunidad, lalawigan o rehiyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Bakit ipinagdiriwang ang ‘National Hugging Day’ tuwing Enero 21?

No description available.
Larawan mula kay Mark-Jhon R. Prestoza

Isang akda lamang mula sa manunulat ang maaaring isumite. Isumite ang pinakamaayos na anyo ng kuwento. Hindi tatanggapin sa antolohiya ang mga kuwentong hindi dumaan sa editing. Kasama sa hiwalay na word document ang maikling bionote ng manunulat (isa hanggang dalawang pangungusap lamang).

Tungkulin ng mga patnugot na piliin ang mga kuwentong pambata batay sa sumusunod na pamantayan: (a)masinop at maayos na gamit ng wika; (b) akdang lilinang sa kultural na kaalaman ng mga bata; (c) may maayos na kaalaman sa anyo at format ng kuwento; (d) may layuning paunlarin ang halagahan o values ng mga bata at; (e) may kamangha-manghang imahinasyon.

Ang akda ay dapat nasa anyong Word document, double espasyo, at Arial font size 12. Lahat ng mapipiling kuwento ay isasali sa palihan o worksyap para higit na maayos at mapakinis pa ang kuwento.

Hanggang Hulyo 25, 2022 lamang ang pagpapasa ng mga ito, na ipapasa sa email na [email protected].

No description available.
Larawan mula kay Mark-Jhon R. Prestoza

Bukod kay Prestoza, isa pa sa mga patnugot nito ay si Eugene Y. Evasco, isang propesor, manunulat, iskolar ng panitikang pambata, at itinanghal na Dangal ng Panitikan 2021 ng KWF.