Posible raw na magkaroon ng sariling noontime show si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa bagong network ni dating senador at business tycoon Manny Villar na "Advanced Media Broadcasting System" o AMBS, ayon sa latest tsika ni showbiz columnist Ogie Diaz.

At itong noontime show na niluluto para kay Toni ay makakatapat umano ng noontime shows na "Eat Bulaga" sa GMA Network, at ang back-to-back at magsasanib-puwersang "It's Showtime" ng Kapamilya Network at "Lunch Out Loud" na babaguhin na raw ang pamagat at gagawing "Tropang LOL".

Una nang napabalitang "namimirata" na umano ang dating ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez para sa AMBS, mula sa mga empleyado at artista ng dati niyang home network, subalit pinabulaanan na kaagad ito ni Koring.

Ang magiging prelude daw ng tapatang Toni Gonzaga at Vice Ganda ay ang pelikula nila sa Metro Manila Film Festival 2022 kung saan parehong nakapasok ang mga entry nila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Unang beses na magtatambal sina Vice at social media superstar Ivana Alawi sa pelikulang "Partners in Crime" sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama naman sina Toni at "Eat Bulaga" host Joey De Leon para sa pelikulang "The Teacher" sa direksyon naman ng mister ni Toni na si Paul Soriano. Ito na rin ang reunion nila simula nang umober da bakod ang host sa ABS-CBN para sa "Pinoy Big Brother".

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa panig ng AMBS o kay Toni tungkol dito.