Magandang balita dahil bababa ng halos 71 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Co. (Meralco) ngayong Hulyo.

Kasunod na rin ito nang implementasyon ng P21.8 bilyong refund order ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa naturang electric company.

Sa isang paabiso nitong Lunes, sinabi ng Meralco na ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan ng 70.67 sentimo/kwh at magiging P9.7545/kWh na lamang mula sa P10.4612/kWh noong Hunyo.

Katumbas ito ng P141.34 na pagbaba sa total bill ng mga residential customers na nakakagamit ng 200 kwh kada buwan; P212.01 sa mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan; P282.68 para sa mga nakakakonsumo ng 400kwh kada buwan at P353.35 naman para sa mga nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This month’s reduction effectively reversed all increases in the overall power rates since the start of the year,” anang Meralco.

Nabatid na tumaas ang generation charge ngayong buwan ng 21.66 sentimo at naging P6.7756/kWh mula sa dating P6.5590/kWh noong Hunyo, ngunit hindi ito naramdaman dahil na rin sa naturang refund order ng ERC.