Napagtagni-tagni na raw ng direktor ng VinCentiments at pelikulang "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap, at gumaganap na dating First Lady Imelda Marcos na si Ruffa Gutierrez kung bakit lumalabas umano ang intrigang pinalayas ng actress-beauty queen ang kaniyang dalawang kasambahay na hindi pinapasahod, ayon sa tweet ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/">https://balita.net.ph/2022/07/09/guanzon-sa-umanoy-pagpapalayas-ni-ruffa-sa-2-kasambahay-nang-di-nasasahuran-is-it-true/

"Napagkonek-konek na ni Direk Darryl at Miss Ruffa ang lahat," mababasa sa Facebook post ng VinCentiments nitong Sabado, Hulyo 10.

"Mula sa mga Maids na 2 weeks ago lang pumasok kay Ruffa para magassist sa pelikula, palihim na pagkuha ng mga pictures sa location atbp; Nakakatawa na ipinapakalat ng mga galit na galit sa #MAIDinMALACAÑANG na ipinagtabuyan daw ang mga ito."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang makapagpapatunay raw na hindi totoo ang mga akusasyon laban kay Ruffa ay ang mga yaya at assistants niyang halos 20 taon na niyang kasama.

"Maghapon si Miss Ruffa sa shoot, may lakas pa ba gumawa ng eksena—yung mga 20 years nang kasama ni Miss Ruffa na mga Yaya at Assistants ang magtatanggol sa kaya."

"MAIDS vs MAIDS"

"Ayaw nila tantanan ang pelikula natin hahahaha!"

Screengrab mula sa FB/VinCentiments

Tila iniisa-isa na raw ang mga cast member ng pelikula. Nauna na nga rito ang kontrobersiyal na pahayag ni Ella Cruz na "History is like tsismis" na halos ilang linggong naging usap-usapan ng sangkanetizen sa social media.

Kahapon, Hulyo 10, lumabas na ang tugon dito ni Ella sa pamamagitan ng video na ginawa mismo ng Vincentiments kasama si Senadora Imee Marcos.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/ella-cruz-nanindigan-totoo-naman-na-ang-kasaysayan-ay-tsismis/">https://balita.net.ph/2022/07/10/ella-cruz-nanindigan-totoo-naman-na-ang-kasaysayan-ay-tsismis/

Nanindigan si Ella na walang masama sa kaniyang mga sinabi tungkol sa kasaysayan.

"Hindi ko naman sinabi na matalino ako, 'di rin naman ako nagmamagaling. Pero Sen, nagbabasa naman ako no, nag-aaral naman ako. At totoo naman na ang kasaysayan ay tsismis na napatunayan dahil sa ebidensya at sa research," sey ni Ella.