CAUAYAN CITY, Isabela – Natagpuan nang bangkay ang isang 28-anyos na junk collector na may 40 saksak at laslas sa lalamunan sa isang bakanteng lote sa Barangay Cabaruan dito Linggo, Hulyo 10, matapos siyang dukutin noong Sabado, Hulyo 9.

Sinabi ng pamilya ng biktimang si Marco Salgado, ng Barangay District 1, na naulila niya ang isang live-in partner at dalawang anak, na ang bunso ay 10-buwang gulang.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi si Salgado na nagmamaneho ng motorsiklo na may sidecar na ginamit sa kaniyang negosyo nang harangin ng isang Sports Utility Vehicle (SUV) ang kanyang dinaraanan dakong alas-12 ng tanghali noong Sabado sa Villarta St., Barangay District 1.

Tinutukan ng baril ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki ang biktima na pilit na pinasakay sa sasakyan. Naiwan ang kaniyang motorsiklo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Makalipas ang ilang oras, nag-radyo ang ina ni Marco at hinimok ang mga dumukot sa kanya na palayain siya.

Noong Linggo ng umaga, natagpuan ang bangkay ni Marco na itinapon sa isang bakanteng lote sa Barangay Cabaruan. Nagtamo ng 40 saksak ang biktima. Laslas ang kanyang lalamunan at nagtamo ng mga pasa ang kanyang mukha.

'Di nagtagal pagkatapos malaman ang malungkot na sinapit ng kaniyang kapatid mula sa pulisya, kinapanayam si Mark ng isang lokal na istasyon ng radyo at umapela para sa hustisya at hiniling ang mga saksi na lumapit at ipaalam sa pulisya.

Sinabi ng pamilya ni Marco na nagulat sila at walang ideya kung ano ang nag-udyok sa brutal na pagpatay. Sinabi nila na ang biktima ay isang mabuting tao, isang mahusay na padre de pamilmya, at ang kaniyang gawain ay "trabaho at tahanan" lang. Hindi rin siya nasangkot sa anumang alitan sa kanilang lugar, dagdag pa nila.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga kidnappers ni Marco at inaalam pa ang motibo ng krimen.