Matapos makatanggap ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen matapos sitahin ang co-star sa fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz, hinggil naman sa kontrobersiyal na pahayag nitong "History is like tsismis", nanindigan ang dating aktres-VJ-model na si G Tongi na hindi dapat binabago kung anuman ang naganap sa kasaysayan.

Nagpakawala ulit ng panibagong tweet si Tongi nitong Hulyo 11 ng madaling-araw, na patungkol naman sa "troll machinery" na nagiging dahilan umano upang manaig at magpatuloy ang "authoritarian regimes" sa Pilipinas. Nakalulungkot daw na ginawa na itong hanapbuhay ng marami.

"The troll machinery for any kind of dissent against authoritarian regimes continues in the Philippines. I feel bad for people that need to do this kind of work to make a living," ani G.

Hindi raw ito magiging dahilan upang manindigan sa katotohanan pagdating sa kasaysayan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"It however will not stop me in standing up for the truth about our history. Don’t rewrite history!"

https://twitter.com/gtongi/status/1546198711000129536

Samantala, marami rin ang kumukuwestyon sa kaniyang naging pahayag na 8 taong gulang pa lamang siya ay nagmartsa na siya sa EDSA noong People Power I.

Ayon sa bashers, ang nakasaad sa isang artikulong naisulat ng isang pahayagan, ay 15 anyos siya nang una siyang tumapak sa Pilipinas, dahil iniuwi siya ng kaniyang inang Filipina.

"Why are people so gullible? I was at People Power, when the Marcos authoritarian family was ousted out of power. I was a student in De La Salle Zobel at the time living in Paranaque. Just coz a prior article is wrong doesn’t discredit my experience. Mga tanga!," aniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/10/g-tongi-pumalag-tinawag-na-tnga-ang-bashers-kaugnay-ng-tweet-tungkol-sa-edsa-people-power-i/">https://balita.net.ph/2022/07/10/g-tongi-pumalag-tinawag-na-tnga-ang-bashers-kaugnay-ng-tweet-tungkol-sa-edsa-people-power-i/

Niretweet naman niya ang sariling Twitter post noong Mayo 11 patungkol kay dating First Lady Imelda Marcos.

"Please let’s not erase history. Billions of Ill gotten wealth stolen from the Filipino people can not be forgotten. This story of redemption is not over because the fight continues #NeverAgain," aniya.

https://twitter.com/gtongi/status/1524328922657136640