Iginiit ni Senator Robin Padilla na hindi pagsalungat sa pag-aasawa ang layunin ng kanyang panukalang batas  para sa divorce o ang pagpapawalang-bisa ng kasal.

"Hindi po ito kailanman na sumasalungat sa pag-aasawa. Hindi ito isangbagay na kami ay kontra na magkaroon ng forever. Katunayan, ito pongpanukalang ito ay nagbibigay ng proteksyon unang-una sa mag-asawa - babae at lalaki at sa kanilang mga magiging anak," aniya.

Aniya, layunin din ng kanyang panukalang batas na proteksyunan ang mag-asawang hindimagkasundo.

Katwiran din niya, angPilipinas na lang ang bansa sa buong mundo maliban ang walang divorce, maliban sa Vatican City at batay na rin umano sa isang survey noong 2017, kalahating porsyento ng mgna Pinoy ang pabor sa diborsyo para sa hindi magkakaayosna mag-asawa.