Dalawang heritage tree, na ika-36 at -37 heritage trees ng Metro Manila ang idineklara ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR), at ng Pasig City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Ang mga punong itinalaga ng DENR bilang heritage tree ay inilarawang “old, rare, native, or endemic, with a minimum girth or circumference of 100 centimeters and measures one-half meter above ground.”

Sa pag-unveil noong Biyernes, Hulyo 8, ang dalawang puno ng akasya ay inihayag ng pamahalaang lungsod at mga opisyal ng ahensya sa Rizal High School sa Pasig.

Sinabi ng DENR na ang dalawang heritage tree ay sinasabing nakatayo na bago pa ang pagkakatatag ng paaralan noong 1902.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

“Known by teachers and students past and present as ‘Batibot’, the acacia trees serve as a reminder [of] the rural and humble past of Pasig City, once the capital of Rizal Province prior to its integration with the National Capital Region in 1975,” saad ng ahensya.

“Standing more than a hundred years old, the trees provided shelter and protection to the number of students who have studied and graduated since, becoming an integral part of the history and heritage of the learning institution.”

Ayon sa DENR, ang mga punong pinapahalagahan ng mga tao hindi lamang para sa kanilang ekolohikal na halaga kundi ang kanilang historical significance ang target ng Heritage Tree Program.

Ang mga punong kasama sa programa ay nakatatanggap ng espesyal na atensyon at proteksyon mula sa isang samahan ng mga forester ng DENR-NCR upang matiyak na sila ay nabubuhay nang mas matagal para sa kapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Ang mga host na komunidad ay nagmumungkahi ng mga puno na nakapaloob sa depinisyon ng DENR ng mga heritage tree. Pagkatapos, itinalaga ng mga rehiyonal na tanggapan ang gayong mga puno bilang mga heritage tree.

Jel Santos