Inabangan ng Pinoy fans sa Amerika ang concert duo nina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Megastar Sharon Cuneta nitong Hulyo 9 sa Thunder Valley Casino Resort sa California.

Pinasalamatan ni Mega sa kaniyang Instagram ang Reginians at Sharonians na sumadya sa kanilang first successful leg ng Iconic US tour.

“Thank you to all of you who came to see @reginevalcasid and me at Thunder Valley tonight!!! We love you!!!” saad ni Sharon sa isang Instagram post kalakip ang mga larawan nila ni Regine.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, limang concert venues pa ang pagtatanghalan ng Iconic duo sa North America sa pangununguna ng musical directors na sina Louie Ocampo at Raul Mitra.

Kabilang ang kapwa OPM pillar na si Gary Valenciano sa mga nag-imbita sa mga Pinoy sa Amerika sa pambihirang pagtatambal ng concert queens sa labas ng Pilipinas ngayong buwan ng Hulyo.